Ang Sakripisyo Ng Magulang
Bakit nga ba may mga anak na parang pinagsamahan bahala ang mga magulang? Ano nga ba ang Sakripisyo ng isang magulang? Hindi ba't wala ka pa sa mundo, kung hindi nasa sinapupunan ka pa lang ay isang Sakripisyo na? Siyam na buwan kang dinadala ng iyong ina, tiniis ang bigat at ang sakit. Umiwas sa mga gawain na makasasama sa iyo, naging mapili sa mga pagkain makaaapekto sa iyo. Tiniyak ang kaligtasan, kalusugan mo. At ng ika'y palabas na sa mundo lahat ng sakit ay kinaya, lahat ng hapdi pinagsawalang bahala kasabay ng kaniyang pagsigaw ang pag iyak mo. Tagumpay ang pagsilang sayo, sanggol ko! Habang sabay hawak sa palad mo. Ngunit hindi pa rin doon nagtatapos ang sakripisyo ng magulang. Ang sanggol ay kailangang bantayan, alagaan, pag puyatan at mahalin. Bantayan ka mula sa kapahamakan, alagaan ka upang matiyak ang iyong siguridad, pag puyatan ka sa mga panahong nagugutom ka at naghahanap ka ng karga ni ina't ama at mahalin ka Hanggang sa huli nilang hininga. Habang ika'y lumalaki mas bumibigat ang responsibilidad nila at Sakripisyo para sa iyo habang ika'y naglalaro at tumatakbo naghahain si ina at nagtatrabaho si ama para sa iyo. Hanggang sa iyong pagkakadapa, ang magulang ang magtatayo at gagamot sa pagkakasugat mo. Kahit sila'y walang wala na ibibigay pa rin ang kagustuhan ng mahal na anak. Isang Sakripisyo ang unahin ka. Isusubo na lang nila ipakakain pa sa iyo. Sa iyong pag aaral bawat sentimo sa kanila ay mahalaga, para ito sa kinabukasan ng anak ko. Palad nila'y nagkakanda kalyo kalyo, pawis nila'y nagkakanda tulo tulo mairaos lang ang pang araw araw para sa iyo. Tanging magulang mo lang ang masasandalan, tanging magulang lang ang makaiintindi, tanging magulang lang ang tatanggap sa iyong pagkakamali at tanging magulang lang ang nagsasakripisyo para sa ikabubuti ng isang anak. Kaya't ating pahalagahan,mahalin at respetuhin ang ating mga magulang. Palagi silang sundin at igalang upang ipakita ang pagmamahal sa kanila.